Rev Jericho Tubiera(@engrrevjericho) 's Twitter Profileg
Rev Jericho Tubiera

@engrrevjericho

BS ChE πŸ‘¨β€πŸ”¬ RChE ❀️ Saved by grace. ✨ Philippians 4:13. Happy to serve in the name of our Lord Jesus Christ.

ID:1351189670030401536

calendar_today18-01-2021 15:28:35

1,0K Tweets

123 Followers

167 Following

Rev Jericho Tubiera(@engrrevjericho) 's Twitter Profile Photo

PAGSIBOL

Ngayon, sa pagsikat ng araw,
Nawa'y manabik ka sa pag-asa.
Sa pagsibol mo, 'wag kang mamughaw,
Sa paglakbay mo, sana matamasa.

Mamukadkad kang ubod ng saya.
Tapusin na ang 'yong pagluluksa.
Damdamin, pag-ibig at ligaya.
'Wag matakot muling mag-umpisa.

account_circle
Rev Jericho Tubiera(@engrrevjericho) 's Twitter Profile Photo

'Oh, my life is changing everyday
In every possible way...' 🎢

Well, the Cranberries can also make me go with the flow...

account_circle
Rev Jericho Tubiera(@engrrevjericho) 's Twitter Profile Photo

KAPIRASO

Bilang 'sang kapiraso sa mundo,
Sana'y dalhin mo ako sa agos;
At kung saan man ako pumundo,
Sa tahimik, ito'y matatapos.

Sa ngayon, aking napagtanto,
Baka nga 'di tayo pinagtagpo.
Ika'y mahal, ang hirap mahinto;
Ika'y mahal, sana 'di mahapo.

account_circle
Rev Jericho Tubiera(@engrrevjericho) 's Twitter Profile Photo

PAGTIGIL

Lumipas man ang mga panahon,
Tayo'y darating sa mga puntong,
Binago na ang interpretasyon;
Dito pa rin sa lungkot hahantong.

Kaya't para sa iyong katinuan,
Hayaan mo na lamang ang agos.
Ibigin siya sa kahinahunan,
Habang pagod na sa pagdaosdos.

account_circle
Rev Jericho Tubiera(@engrrevjericho) 's Twitter Profile Photo

PAHINGA

Sa tuwing ako ay nagsusumamo,
Sa Panginoon, laging dalangin;
'Diyos ko, sana'y maituro mo,
Paghinagpis ko, sana'y pawiin.'

Wari'y mula ka sa alapaap,
Bigay Niya ay pagmamahal na nga.
At lagi, ikaw ay hanap-hanap,
Ikaw lamang ang aking pahinga.

account_circle
Rev Jericho Tubiera(@engrrevjericho) 's Twitter Profile Photo

SANDALAN

Sa ngayon, ako'y nagulumihan,
Naghahanap ng makakausap,
Upang mapawi sa'king isipan;
Sana ay lagi mo akong tanggap.

Hinagpis ko man ay natatanggal,
Kapag nariyan ka't nagsasabing,
'Ikaw ay tunay na mapagmahal.
Lumaban ka't hanapin ang kinang.'

account_circle
Rev Jericho Tubiera(@engrrevjericho) 's Twitter Profile Photo

LIGAYA

Ang ngiti sa iyong mga mata,
Habang kwento ang 'yong buong araw.
'Di mawala ang 'yong pagkumusta,
Ligaya ko ay nangingibabaw.

Nang masambit mo ito sa akin,
'Sa'yo ko lamang gusto magkwento.'
Maging ako man ay kalmado na rin.
Sana ay 'di na tayo huminto.

account_circle