profile-img
SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan

@SparkKabataan

SPARK shall unite the youth to realize its role in shaping history, linking with the struggles of the marginalized sectors. https://t.co/5IOx0WIPMl

calendar_today05-02-2018 07:08:13

4,9K Tweets

764 Followers

317 Following

SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan(@SparkKabataan) 's Twitter Profile Photo

DEPED PANAGUTIN SA PALPAK NA MODULAR LEARNING!
Kahapon ay binulaga na naman tayo ng mga balita ng kapalpakan ng DepEd sa pamamahagi ng learning materials na inaasahang magbibigay-kaalaman, bagkus ay salat sa pagsusuri at pinal na rebyu.

(1/11)

DEPED PANAGUTIN SA PALPAK NA MODULAR LEARNING! Kahapon ay binulaga na naman tayo ng mga balita ng kapalpakan ng @DepEd_PH sa pamamahagi ng learning materials na inaasahang magbibigay-kaalaman, bagkus ay salat sa pagsusuri at pinal na rebyu. #NoStudentLeftBehind (1/11)
account_circle
SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan(@SparkKabataan) 's Twitter Profile Photo

Sa isang modyul ng Grade 10 students sa Mabalacat, Pampanga ay mapapansin ang bulgar na paggamit ng salita sa pagbibigay depinisyon sa salitang Aswang. Sa naturang modyul, nakasaad na ang Aswang ay pinaniniwalaang 'gising kung gabi para maghanap ng makak*ntot or maaaswang.'(2/11)

account_circle
SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan(@SparkKabataan) 's Twitter Profile Photo

Ang daan-daang reklamo ukol sa modules na may nakasaad na mga tekstong bulgar, pahayag ng diskriminasyon, pangungusap na animo'y may pulitikong kinikilingan, at mala-aninong litrato na halos wala nang makita ay pawang maliliit na parte lang ng isang mas malaking problema – (3/11)

account_circle
SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan(@SparkKabataan) 's Twitter Profile Photo

ang katotohanang palpak ang mismong modular learning.

Hindi kailanman naging mabisa ang distance learning para makapaghatid ng de-kalidad na edukasyon sa gitna ng pandemya lalo’t para sa mahihirap. (4/11)

account_circle
SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan(@SparkKabataan) 's Twitter Profile Photo

Maging ang modular learning na ibinida ng DepEd bilang alternatibo sa online learning para sa mga estudyanteng walang akses sa internet ay isang malaking kapalpakan na sadyang ipinilit para lang masabing handa tayo sa pagbubukas ng klase. (5/11)

account_circle
SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan(@SparkKabataan) 's Twitter Profile Photo

Malayo sa pagkatuto, tanging kahapuan at pasakit lamang ang dinala nito para sa estudyante’t kanilang mga magulang habang patuloy na pinagsisilbihan ng ganitong sistema ng edukasyon ang interes ng mga kapitalista-edukador para sa tubo. (6/11)

account_circle
SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan(@SparkKabataan) 's Twitter Profile Photo

Mariin naming pinapanawagan ang agarang prosekusyon ng mga manunulat at printing company na nasangkot sa usapin ng mga palpak at mali-maling printed learning materials, at higit sa lahat ang DepEd mismo upang managot sa kanilang patung-patong na kapalpakan. (7/11)

account_circle
SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan(@SparkKabataan) 's Twitter Profile Photo

Kinukundena ng Samahan ng Progresibong Kabataan ang walang katapusang kapalpakan ng DepEd lalo na ni Sec. Leonor Briones at ang pagtalikod nila sa tungkuling bigyan ng de-kalidad na edukasyon ang bawat kabataang Pilipino. (8/11)

account_circle
SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan(@SparkKabataan) 's Twitter Profile Photo

Patuloy na pinatutunayan ng karanasan ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemya na bulok ang sistema ng distance learning at ang ligtas na pagbabalik sa face to face classes lang ang paraan upang mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga estudyante. (9/11)

account_circle