Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile
Romblon News Network

@romblonnews

For PR, News Coverage here: [email protected] #FightAgainstFakeNews

ID: 1317882620

linkhttp://www.romblonnews.net calendar_today31-03-2013 07:06:32

35,35K Tweet

1,1K Followers

559 Following

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Humingi ng paglilinaw si Cajidican Mayor Marvin Ramos sa Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) hinggil sa kasalukuyang estado ng suplay ng kuryente at mga contingency measure sa kanilang bayan sa gitna ng umiiral na krisis sa enerhiya. romblonnews.net/2026/04/cajidi…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Isang insidente ng sunog ang naganap nitong umaga ng Abril 14, 2026 sa vicinity ng Sitio Agsalay, Barangay Jao-Asan, ayon sa ulat ng Magdiwang Public Information Office. romblonnews.net/2026/04/sunog-…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Nagpakita ng matinding dominasyon ang Far Eastern University sa katatapos lamang na UAAP Football Tournament Season 88 matapos masungkit ang kampeonato sa High School Boys at Seniors Women’s Football nitong Abril 10, 2026. romblonnews.net/2026/04/feu-di…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Kumpleto na ang listahan ng mga bansang lalahok sa FIFA World Cup 2026 matapos ang serye ng qualifying tournaments sa iba’t ibang kontinente. Ang torneo ay gaganapin mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 19, 2026 sa mga bansang United States, Canada, at Mexico. romblonnews.net/2026/04/mga-ba…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Nanawagan si Cajidiocan Mayor Marvin Ramos sa mga may-ari ng gasolinahan sa bayan na agad ipatupad ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo para sa kapakinabangan ng mga motorista. romblonnews.net/2026/04/cajidi…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Pormal nang pinasinayaan ang bagong Coast Guard Mobile Post sa bayan ng Ferrol sa isang seremonyang dinaluhan ng mga lokal na opisyal, kapulisan, at mga miyembro ng Philippine Coast Guard. romblonnews.net/2026/04/bagong…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Nagtipon ang mga bata at kanilang mga magulang para sa isang art session na “Paint. Eat. Play” na ginanap noong Marso 29, 2026 sa Hera’s Place sa Barangay Dapawan, Odiongan. romblonnews.net/2026/04/paint-…

@dswdserves (@dswdserves) 's Twitter Profile Photo

UPDATE: Patuloy ang pamamahagi ng cash relief assistance ng DSWD Field Office (FO) MIMAROPA sa mga tricycle drivers sa lalawigan ng Romblon ngayong Sabado (Abril 18), bilang tugon sa hamon sa kanilang kabuhayan dulot ng pagtaas ng presyo ng langis. Sa munisipalidad ng Romblon,

UPDATE: Patuloy ang pamamahagi ng cash relief assistance ng DSWD Field Office (FO) MIMAROPA sa mga tricycle drivers sa lalawigan ng Romblon ngayong Sabado (Abril 18), bilang tugon sa hamon sa kanilang kabuhayan dulot ng pagtaas ng presyo ng langis.

Sa munisipalidad ng Romblon,
Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Tumanggap ng fuel subsidy ang kabuuang 340 franchised tricycle drivers sa bayan ng Odiongan mula sa Department of Social Welfare and Development bilang bahagi ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina. romblonnews.net/2026/04/340-tr…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Naiuwi ng Romblomanong filmmaker na si Ryan Machado ang Best Director award para sa pelikulang “Raging” sa ginanap na 23rd Asian Film Festival sa Italy, isang pagkilala na nagpapakita ng patuloy na pag-angat ng pelikulang Pilipino sa international stage. romblonnews.net/2026/04/romblo…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Arestado ang isang 32-anyos na lalaki na wanted sa kasong arson sa isinagawang joint operation ng San Agustin Municipal Police Station (MPS) at 2nd Platoon ng Provincial Mobile Force Company (PMFC) noong April 15. romblonnews.net/2026/04/wanted…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Pormal nang ilulunsad sa Abril 24 ang Class 3 modernized vehicles ng MIMAROPA Transport Cooperative para sa rutang Odiongan–San Agustin via San Andres at Calatrava, bilang bahagi ng modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa lalawigan. romblonnews.net/2026/04/modern…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Umabot sa 4,280 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon ang nakiisa sa isinagawang “Stride for the Tide: KALASAG-DAGAT Fun Run 2026” nitong April 18, ayon sa Police Regional Office MIMAROPA. romblonnews.net/2026/04/mahigi…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Aabot sa ₱3.3 milyon na fuel subsidy ang ipapamahagi sa 28 transport service entities (TSEs) sa rehiyon bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang mapabilis ang distribusyon ng tulong sa sektor ng transportasyon. romblonnews.net/2026/04/%e2%82…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) MIMAROPA na nananatiling matatag ang presyo at sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa rehiyon sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis. romblonnews.net/2026/04/presyo…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Umabot sa 7,282 pasyente ang napagsilbihan ng SM Foundation sa serye ng medical missions na isinagawa noong March 2026 sa iba’t ibang komunidad sa bansa, kabilang ang mga bayan ng Odiongan at Looc sa Romblon. romblonnews.net/2026/04/mahigi…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makakatanggap pa rin ng cash relief assistance ang mga tricycle driver na hindi naisama sa unang batch ng pamamahagi ng ayuda sa lalawigan noong April 16. romblonnews.net/2026/04/dswd-m… a

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Tumanggap ng fuel subsidy ang mga mangingisda na may mga bangkang de makina sa bayan ng Calatrava mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilalim ng Department of Agriculture. romblonnews.net/2026/04/mga-ma…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Target ng TESDA Romblon na maabot ang lahat ng munisipyo sa lalawigan ngayong 2026 sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang scholarship at training programs para mapalakas ang oportunidad sa trabaho ng mga residente. romblonnews.net/2026/04/tesda-…

Romblon News Network (@romblonnews) 's Twitter Profile Photo

Papasok na sa bayan ng Odiongan ang kauna-unahang call center sa lalawigan sa pamamagitan ng ZenXtelecom, isang kompanyang nagmula sa Iloilo. romblonnews.net/2026/04/kauna-…